bisayabloggers

We used to build civilizations. Now we build shopping malls.

In Uncategorized on November 13, 2005 at 9:30 am

We used to build civilizations. Now we build shopping malls.

Hindi ako mahilig mamasyal sa mga Mall. Napapagawi lang ako dito kung mamimili o manunuod kami ng sine ng Mrs ko, o minsa’y may ka-meeting sa mga coffee shops o restaurants sa loob nito. Naging isang makabagong paraan na nang pagliliwaliw ng pamilyang Pilipino ang pagpunta sa mall.

Kasabay sa paglaganap ng mga mall ay unti-unti ring nabubuo ang sariling life patterns nito. Halos iisa ang porma, hitsura at environment ng mga mall at sabay nito nagkakaroon din ng halos iisang porma’t hitsura ang mga masugid nitong mga parokyano.

Heto ang ilan sa aking mga naging obserbasyon sa buhay mall. Karamihan dito karanasan ko lang sa mga mall ng SM, kung saan nagpapanagpo ang masang mamimili ng sambayanan.

1) Sa sampung pumapasok sa mall, apat lang dito ang sadyang may bibilhin. Ang natira ay may kameeting, ka-eyeball, nagpapalamig, binibreak-in ang bagong biling damit o sapatos, nakikiusyoso kung anong in sa moda, nagpapacute, nangangarap na makakita ng artista, nagpapalipas ng oras, tataya ng lotto, manunuod ng sine, nang-iispot ng madudukutan, etc.

2) Halos hindi mahulugan ng karayom ang mall kapag may Sale sa kapal ng tao. Asahan mong dagsa ang tao kahit walang bibilhin. Pupunta lang para tingnan kung anong mga naka-sale at sabay magsisisi bakit bumili siya ng ganitong bagay nung wala pang sale.

3) Sa mga booth na nagtitinda ng mga gitara, ewan ko kung bakit, pero makikita mong puro lalaking naka-long hair ang mga nagtitinda.

4) Iisipin mong parang may bagong bukas na daycare center, kindergarten school at pediatric ward sa loob ng mall sa dami ng mga batang naglipana. Meron ka pang makikitang mga sanggol na tila kahapon pa lang ipinanganak at ngayoy kasama na ni daddy at mommy na namamasyal sa mall. Tiyak ko nagmumura na si baby dahil si Mommy at Daddy lang naman ang nag-eenjoy at habang si baby ay ginawang parang bagong cellphone na pinang didisplay lang.

5) Akala mo may eleksyon dahil bigla ka na lang sasalubungin ng mga ahente ng real estate, credit cards at iba pang raket upang magpamudmod ng mga polyeto at mangungumbinsi. At hindi ka tatantanan ng mga ito hanggat hindi mo sila sisimangutan o di kaya’y nag-ala autistic kang bigla.

6) May mga product promoters (i.e., plantsa, kutsilyo, atbp) na kahit wala nang nanunuod sa kanilang mga demo ay parang tape na naka-play, tuloy-tuloy pa rin sa pagsasalita.

7) May mga salespersons, crew at sekyu na parang mga robot na naka-program ang sasabihin kahit hindi nakatingin sa’yo ay biglang magsasabi nang “Good Morning Ma’am (kahit lalaki ka), thank you for coming Sir (kahit babae ka). Minsan kahit gabi na, Good Morning pa rin.

8) Pagpasok mo sa CR (ng mga lalaki), may maaabutan kang nag-tototbrush, nag-bibihis, naghihilamos at kahit bakante na ang ibang urinals, nakapila pa rin ang iba sa toilet booth – kahit didyingel lang. Nahihiya sigurong may katabi sa pagdyingel o di kaya talagang napapa-ebs na.

9) Kadalasan mong maririnig ang announcement: “Calling the attention of the Companions of a lost girl/boy wearing so and so, please come to the information center immediately.” Misteryo para sa akin ang pangyayaring ganito. Hindi ko lubos maisip kung paano nakakawala sa kanilang tabi ang mga bata nang di nila napapansin. Bigla na lang ba silang nagka-amnesia kaya nila nakalimutang may dala pala silang bata? Sadyang iniwan na lang ba nila ang bata para maging si Moses? O kaya’y naglalaro sila nang taguampung sa loob ng mall?

10) Ang mga presyo nang bilihin madalas kesa hindi ay bitin, halmibawa 299.95, imbes na 300. At aasahan mong tatanungin ka nang Cashier kung meron kang singkwenta o biyentesingko sentimos.

11) Kahit puno na ang parking areas pinapapasok pa rin ang mga sasakyan. Mauubusan ka na lang ng gas sa kaiikot sa paghahanap ng bakante. At saka pa lang lalabas ang ibang nakaparking kapag lumampas ka na sa kanila. Hindi ka na makabalik para magparking sa nabakanteng puwesto dahil naunahan ka na nang kotseng nakasunod sa’yo.

12) Palaging mahaba ang pila sa mga ATM machines. Karamihan sa mga nakapila rito ay magbabalance inquiry lang.

13) Sa Grocery naman, may mga naka basket lang ang pinamili pero sumisiksik sa pila ng lane para sa mga naka-shopping carts, habang may mga naka-shopping carts naman na nangungulit pumila sa may basket-lane. Ewan ko ba?

Ganyan ang buhay sa mall, nagdadagdag kulay sa buhay Pinoy. At gaya ng kanta ng Yano, kahit mahirap ang buhay …”Patuloy ang laboy, walang iisipin, Kailangang magsaya, kailangang magpahangin…”

  1. ayos ni nga post dah… hehehe… sa tanan dire naisulat, tinood jud… buanga sah?

    nagtrabaho man jud ko nga nakadikit sa mall ang building pero di kud ko musulod sa mall kung wala koy importante na tuyo or paliton…

    naunsa na ba mga tawo karon?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: